Dambuhalang oarfish nalambat sa Agusan

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2017 12:47 PM

Isang dambuhalang oarfish ang nalambat ng isang mangingisda sa dagat na sakop ng bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte.

Ang oarfish na may haba ng 10 talampakan ay agad namang inilibing sa baybayin ng Buenavista, sa utos na rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ipinagbawal kainin ang naturang isda dahil hindi umano nakasisiguro ang mga opisyal na ligtas itong kainin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.