TINGNAN: 'Valentine's Day trike' sa La Union

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2018 03:40 PM | Updated as of Aug 21 2018 03:11 PM

Patok sa mga pasahero ang "Valentine tricycle" ng 57-anyos na si Rodolfo Balagot sa La Union. ABS-CBN News

ROSARIO, La Union - Agaw-atensyon sa bayan na ito ang isang tricycle na pinalamutian ng puso at bulaklak para sa nalalapit na Valentine's Day. 

Mas ramdam ng mga pasahero ang Buwan ng mga Puso dahil sa mga love songs na pinapatugtog sa tricycle ni Rodolfo Balagot, 57, na nakapulang uniporme pa tuwing pumapasada. 

Kuwento ni Balagot, nais niyang ibahagi sa mga pasahero ang pagmamahal na nararamdaman niya mula sa mga kapamilya at kaibigan. 

"Ang idea ko ay mapasaya ko ang mga taong naisasakay ko at galing sa puso ko 'yan," aniya sa panayam ng ABS-CBN News. 

Kinahuhumalingan naman ng mga katrabaho at suki ang driver.

"Masaya 'pag nakikita namin na may ano yung tricycle niya, nasisiyahan rin kami," sabi ng ka-toda na si Juanito Maboborang. 

"Mabait naman 'yan at saka di supladong driver... Malinis rin siya," dagdag ng pasaherong si Lucita Ordinante.

Para naman kay Balagot, pinakamalaking sukli na natanggap niya bilang isang driver ang makitang masaya at nagmamahalan ang kaniyang kapwa. -- Ulat ni Teomar Bautista, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.