PatrolPH

Sibuyas ginawang giveaway sa kasal sa Tagaytay

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2023 10:35 PM | Updated as of Jan 25 2023 11:30 PM

Kuha ni Aldrik Gohel, Moments by Ruffa
Kuha ni Aldrik Gohel, Moments by Ruffa

Kakaiba ang napiling wedding giveaway nina Jayson at Lorellei sa Tagaytay City nitong Martes, Enero 24.

Ang mamahaling sibuyas lang naman ang napili ng mag-irog na ipamigay sa mga dumalo.

Ayon sa wedding coordinator na si Aldrik Gohel, family business ng bride ang sibuyas sa San Juan, Ilocos Sur at dahil mahal ang presyo ng sibuyas ngayon sa merkado, ito ang naisipan nilang gawing giveaway sa kanilang kasal.

Nasa 150 kilos na sibuyas ang naipamigay.

“Siyempre maraming natuwa lalo sa mga guests at makakauwi sila ng sibuyas. Kahit pati kaming mga coordinator nagulat sa souvenir nila. Ayun, sold out ang sibuyas," ani Gohel.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture, nasa P110 hanggang P120 kada kilo ngayon ang farm gate price ng sibuyas.

Hindi naman lalampas sa P300 ang kilo nito sa merkado, kompara noon na umaabot pa hanggang P600. — Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.