'Torotot-related' injury, naitala sa Puerto Princesa

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 02:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Walang firecracker-related injury sa Puerto Princesa, Palawan sa nakaraang magdamag kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa halip, isang "torotot-related" injury ang naiulat matapos aksidenteng malulon ng isang paslit ang nguso ng torotot. 

Tumatakbo umano habang nagtotorotot ang pitong taong gulang na bata sa kanilang bahay nang biglang nadapa.

Nalulon ng bata ang nguso ng torotot at nasugatan ang kaniyang lalamunan.
    
Nagpapagaling na ngayon ang bata.

--Ulat mula sa Headline Pilipinas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.