MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Saan pa maaaring gamitin ang Beep cards?
ABS-CBN News
Posted at Sep 19 2023 12:05 AM | Updated as of Sep 19 2023 07:06 AM
MAYNILA — Bukod sa MRT at LRT, marami pang pwedeng paggamitan ang Beep cards, lalo sa public transportation.
Nahinto na rin ang Beep card shortage at nabibili na rin ito sa bus stations, online shopping apps, malls at iba pa, ayon sa Department of Transportation.
Pwede namang mag-load nito sa MRT at LRT stations, passenger terminals, convenience stores at maging sa mobile wallet at mobile banking apps.
Malalagyan ang mga card ng load na ₱13 load o hanggang sa maximum amount na ₱10,000.
— Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino
Mga kaugnay na balita: