MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Mga dahilan sa likod ng muling oil price hike
ABS-CBN News
Posted at Sep 19 2023 12:03 AM
MANILA — Inaasahan ang panibagong big-time price hike para sa mga produktong petrolyo ngayong Martes.
Papalo sa ₱2.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel at ₱2.00 naman para sa gasolina at kerosene–ang ika-11 sunod na linggo ng taas-presyo.
Nag-iimport sa ibang bansa ng langis ang Pilipinas, isang dahilan bakit mataas ang presyo nito.
Sa gitna ng desisyon ng mga bansang Saudi Arabia at Russia na bawasan ang produksyon ng langis, ang law of supply at demand ang isa pang nagbubunsod ng pagmahal ng presyo ng langis dahil sa mababang supply at mataas na demand sa mga produkto.
Bukod dito, mataas rin ang buwis na nakapatong sa mga produktong petrolyo, tulad nalang ng ₱6/L excise tax para sa diesel, ₱10/L sa gasoline at 12% value added tax para sa parehong produkto.
Habang lumolobo naman ang presyo ng petrolyo, malaki rin ang kinikita ng gobyerno.
Sumatutal, naglalaro sa ₱14 hanggang ₱20 ang buwis na napupunta sa gobyerno.
— Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino
- /business/09/25/23/psa-to-allow-updates-on-national-id-database-by-october
- /entertainment/09/25/23/marko-rudio-to-release-single-ep-with-the-band-dogz
- /news/09/25/23/remulla-hontiveros-to-socorro-cult-leader-answer-allegations-in-manila
- /news/09/25/23/ao-vows-all-appropriate-actions-vs-scarborough-barrier
- /business/09/25/23/bato-proposes-to-stop-printing-of-national-id-cards