MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Dapat na bang alisin o tapyasin ang buwis sa petrolyo?

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2023 04:47 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Sa ika-anim na sunod na linggo, muli na namang nagtaas ang presyo ng diesel habang nasa ika-5 linggo naman na ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Umabot na sa P12.05 at P11 ang sunod-sunod na taas-presyo ng diesel at gasolina. 

Kaya naman nananawagan ang ilan, kagaya ng transport group na PISTON, na alisin ang fuel taxes para mapababa ang presyo ng petrolyo. 

Ayon sa DOE, nasa 26 percent ng kasalukuyang presyo ng diesel ang napupunta sa gobyerno, habang 21 percent percent naman ang sa gasolina. 

—Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino