ALAMIN: Tapyas-presyo ng ilang kompanya ng langis sa Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2018 03:24 PM

Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis nitong Lunes na bababa ang presyo kada litro ng kanilang mga produkto simula Enero 1, Martes. 

ROLLBACK NG SHELL AT FLYING V

  • Gasolina → P1.30 kada litro
  • Diesel → P1.85 kada litro
  • Kerosene → P1.90 kada litro 

ROLLBACK NG TOTAL

  • Gasolina → P1.30 kada litro
  • Diesel → P1.85 kada litro

Samantala, simula naman nitong Lunes ay nagtapyas-presyo na ang Eastern Petroleum.

ROLLBACK NG EASTERN PETROLEUM

  • Gasolina → P1.30 kada litro
  • Diesel → P1.85 kada litro

Nauna nang nag-abiso ang Unioil, Seaoil, Phoenix Petroleum, at PTT Philippines na magbabawas sila ng presyo ng langis simula noong nagdaang weekend. 

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.