PatrolPH

Diesel, kerosene may bawas-presyo sa Disyembre 29

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2020 01:20 PM | Updated as of Dec 28 2020 03:06 PM

Diesel, kerosene may bawas-presyo sa Disyembre 29 1

MAYNILA — Matapos ang 6 na linggong pagtaas sa presyo, rollback naman sa petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa Martes, Disyembre 29.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, at Cleanfuel, P0.05 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell at Seaoil ng P0.25 na bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Wala namang galaw ang presyo ng gasolina.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.