MAYNILA — Bisperas pa lang ng bagong taon, sabay-sabay na taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang agad na sasalubong sa mga konsumer.
Sa Martes, Disyembre 31, madaragdagan ang singil sa kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene.
Inaasahang dagdag-presyo sa petrolyo:
- Gasolina → P0.80-P0.95/litro
- Diesel → P0.40-P0.50/litro
- Kerosene→ P0.30-P0.40/litro
Samantala, malaki-laki ang nakaambang taas-presyo sa LPG na magsisimula sa Enero 1.
Tinatayang P7 hanggang P8 ang imamahal ng kada kilo ng LPG o dagdag na P77 hanggang P88 sa karaniwang 11-kilong tangke.
LPG price hike
- P7-P8/kilo o P77-P88 kada tangke
Ayon sa Department of Energy, hindi pa ito ang dagdag-singil ng excise tax dahil kailangang ubusin pa ang lumang stock ng langis.
Pero kapag epektibo na ito, narito ang magiging dagdag sa presyo sa mga produktong petrolyo batay sa batas:
- Diesel → P1.68/litro
- Gasolina → P1.12/litro
- Kerosene → P1.12/litro
- LPG → P1.12/kilo
- Auto-LPG → P1.68/litro
Dahil dito, nagsimula nang humirit ang mga grupo ng jeepney drivers ng dagdag singil sa pasahe.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada, liquefied petroleum gas, LPG