PatrolPH

ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo sa Disyembre 28

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2021 10:56 AM | Updated as of Dec 27 2021 06:38 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Disyembre 28, sabi ngayong Lunes ng mga oil company.

Ayon sa abiso ng mga kompanya, ang mga sumusunod ang ipatutupad nilang price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.65/L
KEROSENE -P0.85/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.65/L
KEROSENE -P0.85/L

PetroGazz, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.65/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P0.20/L
DIESEL -P0.65/L

Ang rollback ay dahil sa pagbagsak ng presyuhan ng langis sa world market, gawa ng pagkalat ng omicron variant.

Nagdulot kasi ang variant ng lockdown sa ilang lugar sa Europe at China habang patuloy namang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Amerika.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.