Industriya ng 'online retail' sisipa sa 2020: DOLE-BLE

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 05:55 PM | Updated as of Dec 27 2019 08:09 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Sa pagpasok ng bagong dekada, inaasahang panibagong industriya na naman ang uusbong sa Pilipinas. 

Ayon sa Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment (DOLE-BLE), inaasahan nilang maraming job seekers ang makikinabang sa online retail services pagdating ng 2020. 

"May mga indirect jobs siya na nake-create in the whole system... Diba kailangan logistics. Mas gusto natin palakasin kasi ang client it could be local, it could be global," ani DOLE-BLE director Dominique Rubia-Tutay. 

Pero kung nais nang maghanap ng trabaho bago ang 2020, maaari namang magtungo sa maraming job portals.

Batay sa datos ng government job portal na philjobnet, mayroong 6,435 vacancies na nakatala sa kanila kung saan una pa rin ang call center agents.

Top 5 vacancies sa philjobnet:

  1.  Call center agent
  2. Staff nurse
  3.  Domestic helper
  4. Food server
  5. Sales executive

Ayon sa DOLE-BLE, mainam na gamitin ang holidays para mag-research na sa mga trabahong gustong pasukan.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.