PatrolPH

Matapos ang 6 linggo: Rollback sa petrolyo nagbabadya bago mag-2021

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2020 03:32 PM

Matapos ang 6 linggo: Rollback sa petrolyo nagbabadya bago mag-2021 1
Nagpapakarga ng gasolina ang isang motorista. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

Matapos ang anim na sunod-sunod na linggong oil price hike, nakakasa ang rollback sa presyo ng petrolyo sa Martes, ilang araw bago mag-2021.

Inaasahang galaw sa presyo ng gasolina: 
• Kerosene - P0.30- P0.40/litro
• Diesel - P0.10-P0.20/litro
• Gasolina - walang galaw 

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang inaasahang bawas-presyo ng kerosene

Maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 ang bawas-presyo sa diesel. 

Ang gasolina, posibleng mapako lang ang presyo. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, bumaba ang presyo ng imported na petrolyo dahil sa lockdown sa ilang bahagi ng Europe dulot ng pagkalat ng bagong strain ng COVID-19. 

Pero nang lumabas ang inventory levels ng Estados Unidos na malaki ang ibinawas, ibig sabihin ay lumakas ang demand. 

Dahil dito, posibleng bumalik ang oil price hike sa Pilipinas sa unang linggo ng Enero 2021. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.