PatrolPH

Rollback sa petrolyo asahan sa Disyembre 28

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2021 02:02 PM

MAYNILA - May aasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 28, anunsiyo ng mga taga-industriya ngayong Sabado. 

Ang gasolina, may P0.10 hanggang P0.30 rollback kada litro. 

Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang bawas-presyo sa diesel. 

May P0.80 hanggang P0.90 namang bawas-presyong aasahan sa kada litro ng kerosene. 

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng ika-2 taas-presyo sa petrolyo matapos ang sunod-sunod na pagsadsad ng presyo nito. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.