Presyo ng langis, gagalaw matapos ang Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 10:40 PM

Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Disyembre 26.

Tataas ang presyo ng diesel ng P0.15 kada litro at presyo ng kerosene ng P0.10 kada litro.

Matatapyasan naman ng P0.20 ang presyo kada litro ng gasolina.

OIL PRICE HIKE

Eastern Petroleum, Petron, SeaOil, Shell, Total (Disyembre 26, 6 A.M.)

  • DIESEL     P0.15/Litro

Petron, SeaOil, Shell (Disyembre 26, 6 A.M.)

  • KEROSENE    P0.10/Litro

OIL PRICE ROLLBACK

Eastern Petroleum, Petron, SeaOil, Shell, Total (Disyembre 26, 6 A.M.)

  • GASOLINA    P0.20/Litro

Samantala, inaasahang lalong sisipa ang presyo ng mga produktong petrolyo oras na maipatupad na ang isinabatas na unang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.