PatrolPH

ALAMIN: Presyuhan sa Balintawak Market ilang oras bago ang Noche Buena

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2020 03:17 PM | Updated as of Dec 24 2020 09:16 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Ilang oras bago ang Noche Buena, maraming konsumer pa rin ang nagla-last minute shopping para sa ipanghahanda nila sa pagdiriwang ng Pasko.

Sa Balintawak Market sa Quezon City, hindi na alintana ng mga mamimili ang nagtaasang presyo ng mga bilihin.

Giit nila, may pandemya man at mahirap ang buhay ngayong taon, kahit papaano ay dapat pa ring ipagdiwang ang Pasko.

Gulay

  • Sibuyas - P150/kilo mula sa dating P100
  • Patatas - P140/kilo mula sa dating P80
  • Carrots - P120/kilo mula sa dating P80
  • Siling labuyo - P1,000/kilo mula sa dating P600
  • Bell pepper - P280/kilo mula sa dating P200
  • Bawang - P80/kilo
  • Sayote - P25/kilo
  • Repolyo - P150/kilo
  • Baguio beans - P150/kilo
  • Broccoli - P100/kilo
  • Kamatis - P70/kalahating kilo
  • Kalamansi - P60/kilo

Ang karneng baboy naman, bumaba ang presyo sa P270/kilo mula sa dating P330.

Ang manok, P150/kilo ang presyo, ang bangus ay P170/kilo, at ang tilapia ay P110/kilo.

Mahigpit naman ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at pag-a-alcohol.

May mga guwardya at ilang pulis ring nagbabantay para mapanatili ang physical distancing sa palengke.

– Mula sa ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.