Trabahong may kinalaman sa social media, tech, patok

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 08:41 PM | Updated as of Dec 26 2017 10:50 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maraming kompanya, local o abroad man, ang nangangailangan ng mga multimedia enthusiast o magagaling sa new at social media. 

Sa latest report ng We Are Social, isang international organization na nag-aaral tungkol sa multimedia, panlima ang Pilipinas sa may mataas na paggamit ng social media sa Southeast Asia base sa porsyento ng pangkabuuang populasyon.

Pero bukod sa libangan ng marami ang social media, patok na trabaho rin ito.

"Iyong mga dating websites na pang-personal computer o laptop, nagkakaroon na ng mobile friendly app. May smartphones na Internet powered for information and transaction," ayon kay Philippe Jose Hernandez, social media expert.

Katunayan, pasok sa top 10 highest-paying jobs ngayong taon ang anumang may kinalaman sa digital media at information technology (IT).

Hati sa technical at non-technical skills ang kailangan ng maraming kompanya para sa mga multimedia at social media management dahil speed at accuracy ang labanan ngayon sa paglabas ng impormasyon. 

"Gusto nila, mayro'n kang sumasagot lagi ng mga tanong, mayro'n kang nag-aanalyze. Kailangan mo ng isang team," ayon kay Hernandez.

Maaaring pasukin ang trabahong multimedia at social media specialist ng mga may hilig sa social media, mag-post, mag-edit, at mag-share.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.