Presyo ng diesel, kerosene magtataas ngayong Martes

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 11:04 AM | Updated as of Dec 23 2019 04:58 PM

MAYNILA (UPDATE) - Magtataas ang presyo ng ilang produktong petrolyo simula Martes, bisperas ng Pasko. 

Ayon sa mga kompanya ng langis ngayong Lunes, magsisimula ang dagdag-presyo sa umaga ng Disyembre 24. 

Ayon sa Petro Gazz, Seaoil, Shell, Chevron, Cleanfuel, at Phoenix Petroleum, magkakaroon ng P1.15 taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell at Seaoil ng P1.05 kada litrong dagdag sa presyo ng kerosene. 

Magpapatupad naman ng P1.10 kada litrong dagdag ang Chevron sa kerosene. 

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.  - Ulat mula kay Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.