Presyo ng langis, may tapyas sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2018 12:56 PM

Ilang kompanya ng langis ang magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto sa Martes, Disyembre 25 o araw ng Pasko.

Ayon sa Shell at Petro Gazz, P1 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng diesel at gasolina simula Martes.

Magpapatupad din ang Shell sa Martes na P1 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Nagpatupad naman nitong tanghali ng Linggo, Disyembre 23, ang Jetti Pump ng P1 bawas-presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.

Nauna nang nagpatupad ng P1 bawas-presyo sa petrolyo noong Sabado ang Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines at SEAOIL

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.