PatrolPH

Presyo ng langis tataas sa Disyembre 22

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2020 01:51 PM | Updated as of Dec 21 2020 09:29 PM

Presyo ng langis tataas sa Disyembre 22 1

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Disyembre 22.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, Total, Unioil, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, at Flying V, P0.85 ang taas-presyong ipatutupad sa kada litro ng kanilang diesel, at P0.75 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron, at Flying V ng P0.80 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.