Oil price hike nag-aabang sa bisperas ng Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 06:31 PM

MAYNILA—Taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa darating na linggo. 

Pagsapit kasi ng Martes, malakihan ang magiging dagdag sa presyo ng diesel at kerosene, habang posible namang mapako o mabawasan ang sa gasolina. 

Tinatayang oil price hike sa Martes

  •  Diesel → P1.10-P1.20/litro (dagdag)
  •  Kerosene → P1.00-P1.10/liter (dagdag)
  •  Gasolina → Walang galaw o P0.10/litro (bawas)

Paliwanag ng mga taga-industriya, tumaas ang demand o pangangailangan sa diesel kumpara sa gasolina kasunod ng kasunduan ng China at US.

Epektibo ang galaw sa presyo sa Martes, bisperas ng Pasko.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.