'Pamaskong' rollback inaasahan

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2018 05:42 PM | Updated as of Dec 21 2018 10:07 PM

Nag-abiso na ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad ang mga ito ng rollback kasabay ng papalapit na Pasko.

Unang magtatapyas-presyo ang Unioil sa Sabado, Disyembre 22 alas-6 ng umaga.

ROLLBACK NG UNIOIL:

  • Gasolina → P1/litro
  • Diesek → P1/litro

Paliwanag ng kompanya, ito ay para masulit ng mga motorista ang mas mababang presyo ng langis bago magsimula ang holiday rush.

Nag-anunsiyo rin ng posibleng rollback ang Jetti Petroleum.

TINATAYANG ROLLBACK NG JETTI PETROLEUM

  • Gasolina → P0.80-P0.85/litro
  • Diesek → P0.85-P0.90/litro

Nilinaw ng kompanya na posibleng magbago pa ito dahil sa trading at palitan ng piso ngayong Biyernes. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.