PatrolPH

Taas-presyo sa petrolyo ipatutupad sa Disyembre 21

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2021 01:39 PM | Updated as of Dec 20 2021 06:39 PM

MAYNILA (UPDATE) - Sa ikalawang sunod na linggo, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, base sa abiso ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis.

Simula Martes, Disyembre 21, ipatutupad ng mga oil company ang mga sumusunod na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.55/L
DIESEL +P0.55/L
KEROSENE +P0.70/L

Shell, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.55/L
DIESEL +P0.55/L
KEROSENE +P0.70/L

PetroGazz, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.55/L
DIESEL +P0.55/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.55/L
DIESEL +P0.55/L

Ayon sa Caltex, may price freeze sa presyo ng kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Hindi rin ipatutupad ng Caltex ang taas-presyo sa mga sumusunod na lugar: Agusan, Aklan, Bacolod, Bohol, Butuan, Cabadbaran, Capiz, Cebu, General Santos, Iloilo, Koronadal, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan, Samar at Surigao.

Wala ring price increase ang Petron sa Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Aklan, Bacolod, Bohol, Butuan, Cabadbaran, Capiz, Cebu, General Santos City, Iloilo, Koronadal, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental, Palawan, Samar, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.

May price freeze din umano ang Petron sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity.

Nag-abiso naman ang Phoenix Petroleum na wala silang taas-presyo sa mga nasa ilalim ng state of calamity.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.