PatrolPH

Oil price hike sasalubong sa mga motorista ilang araw bago ang Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2020 04:19 PM

Oil price hike sasalubong sa mga motorista ilang araw bago ang Pasko 1
May taas-presyo sa langis na nagbabadya ilang araw bago mag-Pasko. ABS-CBN News/File 

MAYNILA - Sasalubong sa motorista ang dagdag sa presyo ng kada litro ng langis sa linggo ng Pasko, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang taas-presyo sa langis: 

  •  Diesel - P0.75-P0.85/litro
  •  Gasolina - P0.75-P0.85/litro
  •  Kerosene - P0.85-P0.95/litro


Ang gasolina at diesel, may P0.75 hanggang P0.85 kada litrong taas-presyo. 

Namumuro naman ang dagdag-singil na P0.85 hanggang P0.95 sa presyo ng kerosene. 

Itinuturong dahilan ang pag-develop ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine at pagtaas ng demand sa langis sa Asya.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.