ALAMIN: Mga patok na panregalong mabibili sa Divisoria night market

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 04:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Halos isang linggo bago mag-Pasko, dagsa na ang mga tao sa night market ng Divisoria sa Maynila para mamili ng mga panregalo.

Kabilang sa mga mabentang paninda ang mga tsinelas na may disenyong tampok ang mga paboritong superhero, na nagkakahalagang P50.

Patok din ang mga ternong damit-pambabae na P250 at may kasama pang headband.

Nasa P150 naman ang jumper at t-shirt na para sa mga batang lalaki. Kung mahilig sa mobile games ang reregaluhan, may Mobile Legends shirt na mabibili sa P150 para sa 2 piraso.

May mga polo shirt din na nagkakahalagang P250.

Nasa P100 hanggang P150 naman ang pares ng sandals na gawa sa Marikina.

Naglalaro naman sa P100 hanggang P180 ang stuffed toy.

Nasa P150 ang presyo ng ceramic mug at waistbag.

Inaasahang dadami pa ang mga mamimili sa Divisoria habang patuloy na papalapit ang Pasko.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.