#WalangKuryente: Power interruption sa Luzon sa Disyembre 16-22

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 12:39 PM

Nag-anunsiyo ang Meralco na makarararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ngayong linggo ang ilang lugar sa Metro Manila at Laguna.

Bunsod umano ito ng mga maintenance work o pagkukumpuning isasagawa sa mga apektadong lugar.

 

MANILA (PACO)
DISYEMBRE 16-17, 2019, LUNES HANGGANG MARTES
Sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi (Lunes) at alas-5:30 ng madaling araw (Martes)

- Bahagi ng United Nations Ave. mula Tanque St. hanggang malapit sa Mahatma Gandhi St. kasama ang Broadway International Plaza Bldg. at Dolmar Bldg.

DAHILAN: Line conversion works sa United Nations Ave. sa Paco, Manila.

LAGUNA (BIÑAN)
DISYEMBRE 17, 2019, MARTES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-2 ng hapon

- Bahagi ng North Main Ave. mula East Science Ave. hanggang at kasama ang Alcos Global Corporation, Atlas Copco (Phils.), Isuzu Autoparts Mfg., Art Druck Inc., Anaconda Metal-Fastener, Henkel Phils., Diversys Spectrum Products at LTI Water Pumping station sa Laguna Technopark, Bgy. Malamig.

DAHILAN: Line reconstruction works at pagpalit ng mga poste sa North Main Ave. sa Laguna Technopark, Bgy. Malamig, Biñan, Laguna.

LAGUNA (LILIW, NAGCARLAN, RIZAL, MAGDALENA, AT MAJAYJAY)
DISYEMBRE 18-19, 2019, MIYERKOLES HANGGANG HUWEBES
Sa pagitan ng alas-10:30 ng gabi at alas-10:59 ng gabi (Miyerkoles) at sa pagitan ng alas-5:01 ng madaling araw at alas-5:30 ng madaling araw (Huwebes)

- Bahagi ng Majayjay-Liliw Municipal Road mula Meralco-Botocan substation hanggang at kasama ang buong mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Rizal at Magdalena; Bgys. Bukal, Coralao, Ibabang Banga, Ilayang Banga, Malinao, May-it, Munting Kawayan, Olla, Oobi, Pangil, Panglan, San Isidro, Sta. Catalina, Suba at Talortor sa Majayjay.

DAHILAN: Maintenance works sa loob ng Meralco-Botocan substation.

MARIKINA CITY
DISYEMBRE 19, 2019, HUWEBES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-9:30 ng umaga at sa pagitan ng alas-2:30 ng hapon at alas-3 ng hapon

- Bahagi ng J. P. Rizal St. mula malapit sa A. Bonifacio Ave. sa Bgy. Sto. Niño hanggang at kasama ang Nicanor Roxas, I. Mendoza, A. Dancel, C. Cruz, M. C. Cruz, Kapitan Moy at E. Dela Paz Sts. sa Bgys. Calumpang, San Roque at Sta. Elena.

Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-3 ng hapon
- Bahagi ng M. C. Cruz St. mula P. Dela Paz St. hanggang at kasama ang P. Burgos at Capt. Venciong Sts. sa Bgy. Sta. Elena.

DAHILAN: Paglipat ng poste at pagpalit ng mga pasilidad sa M. C. Cruz St. sa Bgy. Sta. Elena, Marikina City.

QUEZON CITY (WEST TRIANGLE)
DISYEMBRE 20, 2019, BIYERNES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-2 ng hapon

- Bahagi ng Chronicle St. mula Liwayway St. hanggang malapit sa Daily Mirror St.

DAHILAN: Line reconductoring works at pag-install ng mga pasilidad sa Chronicle St. sa Bgy. West Triangle, Quezon City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.