PatrolPH

Petrolyo may taas-presyo simula Disyembre 15

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2020 01:33 PM | Updated as of Dec 14 2020 04:36 PM

Petrolyo may taas-presyo simula Disyembre 15 1
Inaasikaso ng isang gasoline station employee ang isang motorista sa isang refueling station sa Quezon City noong Hulyo 20, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File​

MAYNILA (UPDATE) — Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Disyembre 15.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Cleanfuel, Seaoil, Petron, Unioil, Caltex at PTT Philippines, tataas nang P0.60 ang presyo kada litro ng kanilang diesel at P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron, at Caltex ng P0.55 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Pero may price freeze sa kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na maga-adjust 12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapatupad 4:01 ng hapon.

Noong nakaraang linggo, nagpatupad din ang mga oil company ng taas-presyo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.