PatrolPH

Matapos ang serye ng rollback, presyo ng petrolyo tataas sa Disyembre 14

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2021 11:14 AM | Updated as of Dec 14 2021 08:20 PM

(UPDATE) Matapos ang 5 sunod-sunod na linggong rollback, tataas na ulit ang presyo ng mga produktong petrolyo, sabi ngayong Lunes ng mga oil company.

Simula Martes, Disyembre 14, ipatutupad ang sumusunod na mga price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.60/L
DIESEL +P1.35/L
KEROSENE +P1.20/L

Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.60/L
DIESEL +P1.35/L
KEROSENE +P1.20/L

PetroGazz, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.60/L
DIESEL +P1.35/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.60/L
DIESEL +P1.35/L

Bago nito, umabot sa P6.25 ang kabuuang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina sa serye ng rollback.

Nasa P5.40 naman ang kabuuang natapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at P5.55 sa kada litro ng kerosene.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.