Kontribusyon, hulog sa Pag-IBIG masisilip na online

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Simula ngayong Huwebes, masisilip na ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang kanilang kontribusyon at hulog sa mga inaplayang loan online.

Ito ang "Virtual Pag-IBIG" na nagsisilbing "online office" ng ahensiya.

Ayon kay Acmad Moti, chief executive officer ng ahensiya, masisilip dito ang mga transaksiyon at dito ring maaaring bayaran ang mga utang na nakukuha sa pag-ibig. 

"Makikita na natin lahat ng ating transaksiyon, makakabayad na tayo ng utang, kung gusto nating magdagdag ng kontribusyon kaya na natin gawin real-time, at magbayad nang real-time" pahayag ni Moti. 

Ilalagay lamang ang email at contact information, at dapat pumunta sa pinakamalapit na branch ng PAG-IBIG para ma-activate ang online account. 

Samantala, awtomatiko namang makakakuha ng access sa "Virtual Pag-IBIG" ang mga loyalty plus card holder. 

Target din ng website na makasiguradong naihuhulog ng mga overseas Filipino worker ang kanilang kontribusyon. 

Maaari itong gawin sa pamamagitan ng online payment service na PayMaya o sa pamamagitan ng credit card. 

Pinag-aaralan din ng Pag-IBIG kung isasali na rin dito ang pagkuha ng calamity o multi-purpose loan. 

Pag-iisipan din ng ahensiya kung paano maiproseso ang pautang kahit wala pang isinusumiteng papeles ang miyembro pagdating sa mga housing loan. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.