Bentahan ng ilang Noche Buena products mas mababa kaysa SRP: DTI

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 08:04 PM | Updated as of Dec 13 2019 12:17 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Mas mababa kaysa suggested retail price (SRP) na itinalaga ng DTI ang bentahan ng ilang Noche Buena products ngayong Pasko, ayon sa ahensiya. 

Sa kanilang monitoring, lumalabas na nasa P1 hanggang P10 na mas mababa sa SRP ang bentahan ng ilang produkto gaya ng mayonnaise, pasta, tomato sauce, at fruit cocktail. 

Presyuhan ng ilang Noche Buena products: 

  • 1 kilo Spaghetti → SRP ngayon: P88 (SRP noong Oktubre: P92.50) 
  • 400 gramong keso → SRP ngayon: P200.75 (SRP noong Oktubre: P205) 
  • 200 gramong keso → SRP ngayon: P43.50 (SRP noong Oktubre: P47.25) 
  • 3 kilogramong fruit cocktail → SRP ngayon: P200.50 hanggang P232.75 (SRP noong Oktubre: P202.20 hanggang P235.75) 
  • Mayonnaise → SRP ngayon: P70.60- P83.35 (SRP noong Oktubre) P79.50 hanggang P83.25

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nakapako na ang presyo ng Noche Buena items hanggang sa katapusan ng Disyembre. 

Bawal din munang magtaas ng presyo ang mga manufacturer ng ilang produkto gaya ng de-latang gatas at sabon panglaba. 

"In-advise natin sila na mayroon tayong next adjustment ng SRP next year pa, towards the last part of January and February," ani Castelo. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.