Ilang tindahan, ipinasara dahil sa resibo, buwis

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2018 05:45 PM | Updated as of Dec 17 2019 03:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Limang tindahan ang ipinasara ngayong Lunes ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano pag-iisyu ng resibo at pagbabayad ng tamang buwis.

Pawang mga tindahan ng mga Christmas decoration o mga palamuti para sa Pasko at iba pang gamit sa bahay sa Quezon City at Maynila ang pinasara at ipinakandado ng BIR.

Ayon kay Revenue Regional Director Marina De Guzman, ilang beses na nilang sinulatan ang may-ari ng limang tindahan pero hindi umano ito nakipag-ugnayan sa kanila.

Binigyan ng ahensiya ang may-ari ng mga isinarang tindahan ng limang araw simula ngayong Lunes para magbayad ng kaukulang multa. --Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CB News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.