PatrolPH

Singil sa kuryente may bawas ngayong Disyembre: Meralco

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2020 11:17 AM

Singil sa kuryente may bawas ngayong Disyembre: Meralco 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA — Inanunsiyo ngayong Miyerkoles ng Meralco na magkakaroon sila ng bawas sa singil ng kuryente sa paparating na December bill.

Nasa P0.0352 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas-singil sa kuryente, sabi ng kompanya.

Bunsod umano ito ng pagbaba ng generation charge at presyo ng kuryente sa spot market.

Katumbas ito ng P7 bawas sa electricity bill ng mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P11 sa may konsumong 300 kWh, P14 sa may konsumong 400 kWh, at P18 sa may konsumong P500 kWh.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.