Singil sa kuryente tataas ngayong Disyembre

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 03:39 PM | Updated as of Dec 09 2019 11:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Magkakaroon ng pagtaas sa singil ng kuryente ang Meralco para sa buwan ng Disyembre, sabi ng kompanya.

Nasa P0.304 kada kilowatt hour (kWh) ang dagdag-singil na ipatutupad ng Meralco sa December bill bunsod umano ng pagmahal ng kuryente sa spot market dulot ng serye ng mga yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan. 

Ang pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow alert ay hudyat ng pagnipis ng suplay ng reserbang kuryente. 

Katumbas ang dagdag-singil ng P60.80 para sa mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kWh, P91.20 sa konsumong 300 kWh, P121.60 sa 400 kWh, at P152 sa 500 kWh.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.