ALAMIN: 'Dagdag-bawas' sa presyo ng petrolyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2018 07:17 PM | Updated as of Dec 10 2018 01:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon sila ng dagdag sa presyo ng kanilang gasolina at bawas sa presyo ng diesel at kerosene simula Martes, Disyembre 11.

Ayon sa Shell, SEAOIL, Eastern Petroluem, at Petro Gazz, P0.40 ang kanilang idadagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.10 naman ang ibabawas sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell at SEAOIL ng P0.45 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.