ALAMIN: Rollback ng mga gasolinahan simula Disyembre 10

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 05:46 PM

MAYNILA — Nag-anunsiyo na ang malalaking gasolinahan ng magiging tapyas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Disyembre 10, Martes.

Ang Petron, magkakaroon ng P0.30 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa diesel, at P0.30 din sa kerosene. 

Rollback ng Petron

  •  Gasolina → P0.30/litro
  •  Diesel → P0.10/litro
  •  Kerosene → P0.30/litro

Iba naman ang halaga ng bawas ng Shell, na walang rollback sa diesel pero P0.40 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene. 

Rollback ng Petron

  •  Gasolina → P0.40/litro
  •  Diesel → Nakapako
  •  Kerosene → P0.40/litro

Batay sa kuwenta ng industry players, nasa P0.50 hanggang P0.60 dapat ang ibinagsak sa presyo ng imported na gasolina at P0.05 hanggang P0.10 naman sa diesel batay sa world market.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.