'Paskuhan sa Maynila' bazaar binuksan para sa mga negosyong apektado ng pandemya

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2020 10:43 AM

Tampok sa "Paskuhan sa Maynila" ang iba't ibang tindahan ng damit, gadget maging ng mga pagkain. Photo Courtesy of Manila Public Information Office

MAYNILA - Ngayong naapektuhan ng pandemya ang maraming maliliit na negosyo, nagbukas ng isang bazaar ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Mehan Garden para makabangon mula sa mga limitadong operasyon na idinulot ng pandemic lockdowns. 

Tampok sa "Paskuhan sa Maynila" ang iba't ibang tindahan ng damit, gadget maging ng mga pagkain. Ayon kay Levi Facundo ng Manila City Bureau of Permits, layon nitong tulungan ang mga negosyong pinadapa ng pandemya. 

Makikita rin dito ang ilang Christmas delicacies gaya ng ham, bibingka, at puto bumbong. 

Watch more in iWantTFC

Narito rin ang "Minda Tienda" kung saan makikita ang ilang pagkain at produktong tampok sa Mindanao gaya ng durian. 
 
Mayroon ding mga live performance na haharana sa mga bibisita sa "Paskuhan sa Maynila" 

Ayon kay Facundo, may mga health protocol na sinusunod sa lugar. 

"Magkakalayo ang booths and stalls ang alam nating malalakas na pinupuntahan ng tao strategically located po ito," aniya sa programang "Winner sa Life" sa Teleradyo. 

May mga nakaantabay din aniyang medical team at mga pulis para matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita. 

Bukas ang "Paskuhan sa Maynila" mula Disyembre 1 hanggang Enero 2, mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng madaling araw. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.