Oil price hike nagbabadya sa ika-2 linggo ng Disyembre

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2020 03:51 PM | Updated as of Dec 05 2020 07:05 PM

Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Inaasahan ang taas-presyo sa produktong langis sa ika-2 linggo ng Disyembre, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang taas-presyo sa langis: 

• Diesel - P0.35-P0.45/litro
• Gasolina - P0.20-P0.30/litro
• Kerosene - P0.50-P0.60/litro

Ang presyo ng diesel, tataas mula P0.35 hanggang P0.45 kada litro. 

Ang gasolina naman, may P0.20 hanggang P0.30 kada litrong taas-presyo. 

May P0.50 hanggang P0.60 litrong taas-presyo rin ang kerosene. 

Tumaas ang presyo ng langis nitong mga nakaraang linggo matapos magkaroon ng sunod-sunod na balita ukol sa coronavirus disease (COVID-19) vaccine. 

Bumaba noon ang presyo ng langis sa pagbaba ng demand sa ilang industriya ngayong limitado ang paggalaw ng tao dahil sa pandemya. 

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.