Ilan pang oil firms nag-abiso ng taas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 01:14 PM | Updated as of Dec 02 2019 03:34 PM

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo na magpapatupad sila ng taas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Disyembre 3.

Ayon sa Total, Phoenix Petroleum, Seaoil, PTT Philippines, Cleanfuel, at Caltex, tataasan nila ng P0.65 ang presyo ng kada litro ng diesel, at P0.30 ang kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Seaoil at Caltex ng P0.50 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex at Cleanfuel na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

Nauna nang mag-anunsiyo noong weekend ang Shell at Petro Gazz ng taas-presyo sa petrolyo, na ipatutupad din sa Martes. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.