ABS-CBN News/File
MAYNILA — Nag-abiso ang Manila Water na makararanas ng service interruption ang kanilang mga kostumer sa 6 na barangay sa Antipolo simula Disyembre 2 hanggang 3.
Magsasagawa kasi umano ang Manila Water ng leak repairs sa isang linya sa may Marcos Highway sa Barangay Inarawan, Antipolo.
Nasa 79,000 tao sa 15,810 kabahayan at negosyo sa lungsod ang maapektuhan ng interruption, na mag-uumpisa alas-9 ng gabi ng Disyembre 2 (Miyerkoles) hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 3 (Huwebes).
Narito ang mga apektadong barangay:
Dela Paz
- Langhaya Relocation Site
- CHED Langhaya
- Purok Cepina
- Purok Imelda
- Purok Maunlad
- Purok Silangan
- Techno Road
- Purok Sumulong
Bagong Nayon
- Purok Tagumpay
- Sun Valley Subd.
an Juan
Inarawan
- Azhai
- DAZMA
- St. Anthony
- Town and Country Hills
- Maagay 1, 2 and 3
- Park Hills
- Sitio Pandayan
- St. Francis Subd.
- Sitio Kamias
San Luis
- Sambaville
- Peace Village 1, 2 and 3
- Cherry Hills Subd.
- Sitio Patnubay PH2B1 and 2
- Steel Homes
- Piedra Blanca
- Puting Bato
San Isidro
- Sitio Maligaya,
- Sitio Epheta and
- Tanglaw PH2A
- Bagong Nayon 2 PH1 and PH2
Pinayuhan din ng Manila Water ang mga apektadong kostumer nito na mag-ipon ng tubig na sapat para sa panahon ng service interruption.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Manila Water, tubig, konsumer, utilities, water service interruption, Manila Water leak repairs, walang tubig