Presyo ng LPG tataas sa Disyembre 1

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2020 05:24 PM

Nag-abiso ang mga kompanya ng liquefied petroleum gas na magkakaroon ng pagtaas ang presyo ng kanilang produkto simula Martes, Disyembre 1.

Ayon sa Petron, simula hatinggabi, P0.96 ang taas-presyo sa kada kilo ng LPG, habang P0.54 naman sa presyo ng kada kilo ng auto-LPG.

Inaantabayan pa ang anunsiyo ng ibang kompanya ng LPG.

Kasabay din nito, nagsabi ang mga oil firm na tataasan nila nang higit P1 ang presyo ng petrolyo sa unang araw ng Disyembre.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.