LPG, oil price hike bubungad sa mga konsumer sa Disyembre

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2019 07:18 PM

MAYNILA — Sakit sa ulo agad ang bungad sa mga motorista sa pagpasok ng Disyembre dahil sa inaasahang oil price hike, ayon sa mga taga-industriya. 

Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo sa Disyembre 2: 

• Diesel → P0.50-P0.60/litro
• Gasolina → P0.20-p0.30/litro
• Kerosene → P0.50-p0.60/litro
    
Pati ang liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG, magtataas presyo rin simula Disyembre 1, Linggo. 

Inaasahang P0.25/kilo o P2.75 sa kada 11 kilong tangke ang madaragdag sa presyo ng LPG.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.