PatrolPH

Presyo ng petrolyo may rollback ulit sa Nobyembre 30

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2021 11:51 AM | Updated as of Nov 29 2021 07:00 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) — Muling magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 30.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggong nag-rollback ang presyo ng petrolyo.

Ayon sa abiso ngayong Lunes ng mga oil company, narito ang kanilang ipatutupad na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P1.10/L
DIESEL -P0.60/L
KEROSENE -P0.50/L

Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.10/L
DIESEL -P0.60/L
KEROSENE -P0.50/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.10/L
DIESEL -P0.60/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P1.10/L
DIESEL -P0.60/L

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, pangunahing dahilan ng bawas-presyo ang pagsulpot ng Omicron variant ng COVID-19.

Nagkaroon kasi ng mga lockdown sa ibang bansa at nabawasan ang mga biyahe at flight.

Posible namang magkaroon ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Disyembre, ayon kay Regasco President Arnel Ty.

Samantala, marami pa ring jeepney driver ang walang Pantawid Pasada card kaya hindi nila ma-avail ang fuel subsidy ng gobyerno, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News.

Ang fuel subsidy ang ayuda ng gobyerno sa mga jeepney driver bunsod ng serye ng mga oil price hike kamakailan.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.