Kailangan bang mag-angkat ng sibuyas ang Pilipinas? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kailangan bang mag-angkat ng sibuyas ang Pilipinas?

ABS-CBN News
Published Nov 28, 2022 10:30 PM PHT

MAYNILA—Kailangan mag-angkat ng libo-libong tonelada ng sibuyas sa Pilipinas sa gitna ng kakulangan ng naturang kasangkapan sa bansa, ayon sa isang grupo nitong Lunes.

Saad ni Rosendo So ng Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG), wala nang suplay ng puting sibuyas sa bansa noong nakaraang buwan. Aniya, apektado ang pulang sibuyas sa Pilipinas at maliit na ang inventory ngayon nito.

Giit niya, kailangan ng 7,000 metric tons na puting sibuyas at 7,500 metric tons ng pulang sibuyas sa bansa. Dahil ang ibang sibuyas nasisira na, dapat na mag-angkat umano nito sa bansa ngayong buwan.

Sabi ni So, kung hindi kasi kaya magpasok ng sibuyas ng Department of Agriculture ngayong Disyembre, sisipa pataas lalo ang presyo kaya rekomendasyon ng kaniyang grupo, ngayong Nobyembre pa lang na mag-angkat na ng sibuyas.

Aniya, ilang kilo lang ng smuggled na onions lamang ang nahuhulin kumpara sa majority na hindi nahuhuli.

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, ang presyo ngayon ng sibuyas na umaabot sa P400 kada kilo ay hindi na makatarungan.

Aniya, nagtuturuan umano ang mga retailer at dealer kung bakit mataas ang presyo.

Dapat umano isapubliko kung saan nanggagaling ang sibuyas at dapat may ebidensiya umano kung may paratang na may nagaganap na pagpupuslit ng naturang kasangkapan sa bansa.

Aniya, plano ng DA na mag-import ng sibuyas sa ikalawang linggo ng Disyembre.—Pasada sa TeleRadyo, TeleRadyo, Nob. 28, 2022