(UPDATE) Magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 29, ayon sa anunsiyo ng mga kompanya.
Base sa abiso, narito ang halaga ng mga ipatutupad na bawas-presyo:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL -P3.95/L
GASOLINA -P0.85/L
KEROSENE -P2.65/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL -P3.95/L
GASOLINA -P0.85/L
Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P3.95/L
GASOLINA -P0.85/L
KEROSENE -P2.65/L
Petro Gazz, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum, Unioil (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P3.95/L
GASOLINA -P0.85/L
Ang rollback ay bunsod umano ng pagbaba ng demand sa China dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Samantala, nakaamba naman ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Disyembre.
Nasa P2 hanggang P3 ang posibleng dagdag-presyo sa LPG pero posible pang magbago ang presyuhan hanggang Miyerkoles, Nobyembre 30.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.