PatrolPH

Higit P1 kada litrong price hike sasalubong sa mga motorista sa Disyembre 1

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2020 06:06 PM

Higit P1 kada litrong price hike sasalubong sa mga motorista sa Disyembre 1 1
Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Big time na oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng Disyembre, ayon sa tantiya ng mga taga-industriya.

Maglalaro sa P1.15 hanggang P1.20 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.

Nasa P1 hanggang P1.10 naman ang inaasahang dagdag sa presyo ng diesel.

At nasa P1.10 hanggang P1.15 naman ang inaasahang pagmahal ng kerosene.

Sumipa ang presyo ng imported na petrolyo dahil pa rin sa mga development sa COVID-19 vaccines lalo't gumaganda ang tsansang malapit nang mailabas ang iba't ibang bakuna at mababawasan na ang restrictions sa sektor ng transportasyon.

Sa Lunes ng gabi naman magpapasya ang Organization Of Petroleum Exporting Countries kung babawasan pa o daragdagan ang produksyon ng langis pagdating ng Enero 2021.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.