Pagkarga ng gasolina sa isang sasakyan noong Marso 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MAYNILA— Sa ika-4 sunod na linggo ay magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula Nobyembre 30.
Rollback sa petrolyo:
- Gasolina P1.10-P1.20/litro
- Diesel P0.60-P0.70/litro
- Kerosene P0.50-P0.60/litro
Ang gasolina, may P1.10 hanggang P1.20 kada litrong bawas-presyo.
May P0.60 hanggang P0.70 namang bawas-presyo sa diesel.
Samantala, may P0.50 hanggang P0.60 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.