LISTAHAN: Bagong SRP para sa mga bilihin sa palengke sa Kamaynilaan

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2020 05:56 PM | Updated as of Nov 27 2020 06:07 PM

Mga karneng baboy na ibinebenta sa Pampanga. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Naglabas ng bagong listahan ang Department of Agriculture ng suggested retail price ng mga bilihin sa mga palengke sa Kamaynilaan.

Ikinasa ito sa bisa ng Administrative Circular ng DA na pinirmahan ni Agriculture chief William Dar noong Nobyembre 26.

Ginawa ito matapos ipatupad ang price freeze sa Luzon dahil sa pandemya at sa sunod-sunod na bagyo na nanalasa sa isla.

Narito ang presyo ng mga bilihin:

BIGAS
Local:

  • Special → P50/kilo
  • Premium →P45/kilo
  • Well-milled →P40/kilo

Imported:

  • Special → P52/kilo
  • Premium → P45/kilo
  • Well-milled → P36/kilo

KARNE

  • Beef rump → P380/kilo
  • Beef brisket → P300/kilo
  • Pork pigue/kasim → P260/kilo
  • Liempo → P290/kilo
  • Whole chicken → P140/kilo
  • Chicken egg (medium) → P6.50/piece;

ISDA

  • Milkfish (bangus) → P160/kilo
  • Tilapia → P120/kilo
  • Roundscad (galunggong) imported → P140/kilo
  • Alumahan → P250/kilo

GULAY

  • Ampalaya → P120/kilo
  • Sitaw → P100/kilo
  • Pechay (native) → P80/kilo
  • Squash → P30/kilo
  • Eggplant → P100/kilo
  • Tomato → P100/kilo
  • Cabbage (Scorpio) → P70/kilo
  • Carrots → P80/kilo
  • Habitchuelas (Baguio beans) → P130/kilo
  • White potato → P70/kilo
  • Pechay (Baguio) → P80/kilo
  • Chayote → P40/kilo

PRUTAS

  • Calamansi → P50/kilo
  • Banana (lakatan) → P90/kilo
  • Banana (latundan) → P70/kilo
  • Papaya → P60/kilo
  • Mango (carabao) → P150/kilo

PAMPALASA

  • Red onion (local) → P160/kilo
  • Red onion (imported) → P120/kilo
  • White onion (imported) → P100/kilo
  • Garlic → P90/kilo
  • Ginger → P160/kilo

IBA PANG BILIHIN

  • Sugar (refined) → P50/kilo
  • Sugar (ashed) → P45/kilo
  • Sugar (brown) → P45/kilo
  • Cooking oil (palm) 350 ml → P25
  • Cooking oil (palm) 1 liter → P50

Babala ng DA na kulong at multa ang mahaharap ng mga lalabag sa SRP.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na idulog sa kanila kung may mga magbebenta ng mga produktong lagpas sa SRP.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.