Ilang bahagi ng Maynila, QC, mawawalan ng kuryente sa Lunes

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2017 09:37 PM

Abiso sa mga customer ng Meralco, aabutin ng lima hanggang anim na oras ang power interruption sa ilang bahagi ng Maynila at Quezon City sa Lunes, Nobyembre 27.

Sa Tondo, Maynila mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Hermosa at Molave Street sa Gagalangin at sa Pilar Street sa Barangay Manuguit.

Kalahating oras namang mawawala ang kuryente sa maraming lugar sa Maynila mula 11:30 hanggang 12 ng tanghali.

Makararanas din ng brownout mula alas-5 hanggang alas-5:30 ng umaga sa Malate, Paco, at Santa Ana, Maynila.

Mawawalan din ng kuryente sa bahagi ng Paco at Malate sa Maynila mula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-5:30 ng madaling araw, Martes.

Sa Quezon City, mawawalan ng kuryente ang Balintawak area partikular na sa kahabaan ng 11th Road, Santo Cristo, A. Bonifacio at Joy Streets sa Brgy. Balingasa mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Ayon sa Meralco, magsasagawa sila ng maintenance sa mga nasabing nabanggit na lugar kaya magkakaroon ng power interruption.

-- Ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.