Presyo ng gasolina, diesel, kerosene may bawas simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2019 12:01 PM | Updated as of Nov 25 2019 07:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Panibagong bawas-singil sa presyo ng gasolina at diesel ang ipatutupad simula Nobyembre 26, ayon sa anunsiyo ng ilang kumpanya ngayong Lunes.

Bawas presyo simula sa Martes:

PTT PHILIPPINES

  • Gasolina - P0.20/kada litro
  • Diesel - P0.10/kada litro

PHOENIX PETROLEUM

  • Gasolina - P0.20/kada litro
  • Diesel - P0.10/kada litro

UNIOIL

  • Gasolina - P0/20/kada litro
  • Diesel - P0.10/kada litro

SEAOIL

  • Gasolina - P0.20/kada litro
  • Diesel - P0.10/kada litro
  • Kerosene - P0.10/kada litro

Nauna namang mag-anunsiyo ng bawas-presyo noong weekend ang mga kompanyang Cleanfuel, Petro Gazz, at Shell.

Simula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 26, P2.70 na ang ibinaba ng presyo ng kada litro ng diesel, P3.25 sa kada litro ng gasolina, at P3.30 sa kada litro ng kerosene. —Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.