Higit P2 tapyas-presyo sa diesel ipinatupad na sa ilang gasolinahan

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2018 03:53 PM

Tulad ng inaasahan, tuloy ang pagbubunyi ng mga motorista dahil sa ika-7 sunod na linggo ay may malaking rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang ilan, ipinatupad na ito at buena mano muli ang Phoenix Petroleum na may bawas-presyo na nitong Sabado ng tanghali.

Rollback ng Phoenix Petroleum

  •  Diesel → P2.20/litro
  •  Gasolina → P1.10/litro

Inaasahang susunod na ano mang oras ang iba pang kompanya ng langis.
    
Batay sa kalakalan sa world market, umabot ng P2.30 hanggang P2.40 kada litro ang ibinaba ng presyo ng imported diesel.

Nasa P1.20 hanggang P1.25 naman kada litro ang tapyas sa presyo ng imported gasoline.

Pati ang kerosene ay mahigit P2 din ang ibinagsak.

Mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 24, papalo na sa lagpas P10 ang kabuuang rollback sa gasolina at lagpas P8 naman sa diesel.

Kabuuang rollback sa loob ng 7 linggo:

  • Gasolina → P10.05-P10.20/litro
  • Diesel → P8.35-P8.45/litro

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.